Linggo, Agosto 4, 2013

buwan ng wika





Bakit mahalaga ang wika?

Ang wika ito ang susi tungo sa pagpapaunaw ang isang taong kanyang iniisip sa iba. Walang pagkakaunawaan kung walang komunikasyon. At kung walang komunikasyon  ay walang diwa ng maihahatid. Nasa wika ang pagpunla ng anumang isipan. Mahalaga ang wika dahil sa atin ito, isa ito sa mga kayamanan ng ating bansa at dito tayo nakikilala.

 


                                         May mahigit sandaang wika ng sinsalita sa Pilipinas. Walo rito ay tinatawag na pangunahing: Tagalog, Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Samar-Leyte, at Maguindanao.Pero ayon nga kay Manuel  L.Quizon na tinaguriang “Ama ng Wika” dapat isa lang ang ating gamitin na wika  at napili nito ang salitang Tagalog. Sa panahong ngayon maraming pagbabago sa ating henerasyon katulad nalang sa pananamit, mga kaugalian, mga panibagong teknolohiya at kasama narin dito ang mga naimbentong mga salita.

 May dalawang uri ang wika ang Pormal ito ay kinikilala o standard na wika at ang nakaangkop dito ay Pampanitikan ito ay mga malalalalim na salita, Pamapinitikan ito naman ang gingamit na wika sa paaralan sa pang-araw araw. At ang Di Pormal ito ay mga salitang karaniwang palasak at pang-araw araw na wika. At ang nakaangkop dito ay Lalawiganin mga salita sa iisang lugar katulad ng salitang Cebuano, Bikolano at iba pa. At ang Balbal na salita mga salitang pangkalye katulad ng JEJEMON naimbento ito sa pagpapaikling mensahesa cellphone at ang panghuli Kolokyal mga salitang kagaspangan halimbawa ibinabaliktad na mga salita.


 


Sa nakikita ko ngayon maraming mga kabataan ang ginagamit na wika ay di pormal hindi nila pinapahalagahan ang Wikang Filipino. Hindi nila alam ang tunay nakahalagahan ng ating wika, paano na tayo’y mga Filipino iisa lang ating minimithi at yun ay magkakaisa tayong lahat eh paano bayang  hindi tayomagkakaintindihan dahil sa mga naimbentong salita. Kaya pala hindi umaasenso ang bansang pilipinas dahil sa kawalan ng interesado saWikang Filipino. Sa lahat na mag-aaral dapat Makita nila ang tunay na kahalagahan ng Wikang Filipino.





Ngayong 2013 ito ang ating tema sa Buwan ng Wika, Ipinagdidiriwang natin ito tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito lamang ang pagkakataon natin para ipagmalaki at pagyabungin ang ating Wika. Hindi lang ito ginagamit para pangkomunikasyon  kundi simbolo rin ito sa pagiging tunay na Pilipino.Ayon sa tema na ito ipinapakita ang KAPANGYARIHAN ng wikang Pilipino ipinaparating ito sa lahat ng ating mamayanan. Kahit na iba't iba ang ating pananaw sa buhay o may kanya kanya tayong wika pero sa ibang bansa tayo nagkakaintindihan dahil wikang filipino ang ating gamit. Dahil Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan at Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian.