Bakit mahalaga
ang wika?
Ang wika ito ang susi tungo sa pagpapaunaw
ang isang taong kanyang iniisip sa iba. Walang pagkakaunawaan kung walang komunikasyon.
At kung walang komunikasyon ay walang diwa
ng maihahatid. Nasa wika ang pagpunla ng anumang isipan. Mahalaga ang wika dahil
sa atin ito, isa ito sa mga kayamanan ng ating bansa at dito tayo nakikilala.
May
mahigit sandaang wika ng sinsalita sa Pilipinas. Walo rito ay tinatawag na pangunahing: Tagalog, Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Samar-Leyte, at Maguindanao.Pero ayon nga kay Manuel L.Quizon na tinaguriang “Ama ng Wika” dapat
isa lang ang ating gamitin na wika at
napili nito ang salitang Tagalog. Sa panahong ngayon maraming pagbabago sa ating
henerasyon katulad nalang sa pananamit, mga kaugalian, mga panibagong teknolohiya
at kasama narin dito ang mga naimbentong mga salita.
May dalawang uri ang wika ang Pormal
ito ay kinikilala o standard na wika at ang nakaangkop dito ay Pampanitikan ito ay mga malalalalim na salita, Pamapinitikan ito naman ang gingamit na
wika sa paaralan sa pang-araw araw. At ang Di Pormal ito ay mga salitang karaniwang
palasak at pang-araw araw na wika. At ang nakaangkop dito ay Lalawiganin
mga salita sa iisang lugar katulad ng salitang Cebuano, Bikolano at iba
pa. At ang Balbal na salita mga salitang pangkalye katulad ng JEJEMON
naimbento ito sa pagpapaikling mensahesa cellphone at ang panghuli Kolokyal
mga salitang kagaspangan halimbawa ibinabaliktad na mga salita.
Sa nakikita ko ngayon maraming mga
kabataan ang ginagamit na wika ay di pormal hindi nila pinapahalagahan ang Wikang
Filipino. Hindi nila alam ang tunay nakahalagahan ng ating wika, paano na tayo’y
mga Filipino iisa lang ating minimithi at yun ay magkakaisa tayong lahat eh
paano bayang hindi tayomagkakaintindihan
dahil sa mga naimbentong salita. Kaya pala hindi umaasenso ang bansang pilipinas
dahil sa kawalan ng interesado saWikang Filipino. Sa lahat na mag-aaral dapat
Makita nila ang tunay na kahalagahan ng Wikang Filipino.
Ngayong 2013 ito ang ating tema sa Buwan ng Wika, Ipinagdidiriwang natin ito tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito lamang ang pagkakataon natin para ipagmalaki at pagyabungin ang ating Wika. Hindi lang ito ginagamit para pangkomunikasyon kundi simbolo rin ito sa pagiging tunay na Pilipino.Ayon sa tema na ito ipinapakita ang KAPANGYARIHAN ng wikang Pilipino ipinaparating ito sa lahat ng ating mamayanan. Kahit na iba't iba ang ating pananaw sa buhay o may kanya kanya tayong wika pero sa ibang bansa tayo nagkakaintindihan dahil wikang filipino ang ating gamit. Dahil Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan at Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian.